Tuesday, January 18, 2011

Ang Batang Hari

Isang araw may isang lalaking nagngangalang Max ngunitnagbago ang lahat sa isang pagkakamali. Papasok na noon siya sa eskuela ngunit nakalimutan niya ang kanyang saklob. Nang lumapit siya sa kabinet bigla itong nagbukas at hinigop si Max. Nang nagkamalay na siya nagulat siya sa kanyang nakita ang isang lipon ng hayop. Lumapit siya sa mga ito at nalaman niyang maalam magsalita ang mga hayop. Nkitanaman ng mga hayop si Max at nagkagulo sila. May nagtangkang lumapit kay Max na isang pagong. "Kamuta" wika ni Max. "Matagal na kaming hindi nakakakita ng taong katulad mo simula noong Great Fall" sabi ng pagong. "Anong nangyari noong Great Fall ?" tanong ni Max. "Noong taong 3062 may lumaganap na sakit sa mga tao pero pagkatapos mawala ang mga tao nangyari ang Fast Evo noon umunlaed ang mga hayop at natutung magsalita kagaya namin" sagot naman ng pagong. May biglang sumabok at nagkagulo ang lahat.
Nahimatay si Max at pagkagising niya ay nasa ilalim na siya ng tubig. Pinakawalan siya ng mga isda. Nagulat nalang si Max nang nagsitunguhan ang mga isda. "Bakit nyo ako sinasamba?" wika ni Max. Itinuro nila ang istasyo ni Neptune na hari ng Atlantis at ngumiti naman si Max. Pagkatapos ng paglalagay ng korona sa bagong hari tinanong ni Max kung bakit nila inataki ang mga taga-lupa. "Mahal na hari kinakalaban nila kaming mga Aquas sa pag kuha  ng mga yelo sa hilaga at timog polo. Diba po pagnatunaw ang yelo ito ay magiging tubig." sagot ng isda.Iniutos kaagad ni Max na iakyat siya sa tubig.
Nang nasa lupa na siya . Tinanong niya kung sino ang pinuno nila. Lumabas ang pagong na dati niyang kinausap. "Ikaw ba ang pinuno nila" tanong ni Max. "Oo" biglaang sagot ng pagong. "Bakit ba inaagaw nyo ang hilaga at timog polo ?" tanog ni Max. "Dahil pagnatunaw ang yelo sa mga polomagkakalupa doon" sagot ni pagong. hiniling ni Max sa Diyos na matunaw ang yelo sa mga polo. Nang gabi nalaman ng mga Landias na naging hari ng Aquas si Max . Susunugin na dapat ng mga Landias ang tinutulugan ni Max nang biglang may lumabas na Sun Flare dahil ditonagtago ang mga Landias. Nang nagising na si Max nagdiriwang ang mga Landias. "Bakit anung nangyayari ?" tanong ni Max sa pagong. "Natunaw na ang yelo sa timog polo. Tama kaming may lupa sa timog polo." sagot ng pagong. "Anong nangyari sa hilagang polo" tanong ni Max. "Nadisisyon namin na mapapunta ang hilagang polo sa mga Aquas dahil dito nagkasundo na ang aming tribo na tatawagin nang Mudias at may bago na rin kaming hari at ikaw yun Max" sagot ng pagong. "Hindi dapat ako dahil wala akong alam sa mundo nyo" sabi ni Max. "Pero ikaw ang dahilan kung bakit kami nagkasundo" paliwanag ni pagong. Pumayag na si Max na maging hari. Nanatutulog si Max pumasok ang pagong sa bag ni Max upang humanap ng pagkain ngunit nakatulog siya dahil sa pabango ni Max.
Nagising na si Max at kinuha na niya ang bag at kukuha siya ng tubig sa balon. Nang papunta na siya sa balon nadulas siya at nahulog sa balon. Pagkagising niya ay nasa kwarto na nya siya. Nagtatalon si Max sa tuwa at nahulog ang pagong dahil sa kakatalon ni Max. Sa huli naging matalik na kaibigan si Max at ang pagong. Naging maganda rin ang lagay ng tribong Mudias. Ngunit tandaad na hindi pa rin natatapos ang kasamaan.

1 comment:

  1. Hindi marunong gumalang sa mambabasa sapagkat hindi alam ang mga alituntunin ng talataan at palabantasan.

    ReplyDelete